Sa Kalaliman ng Gabi: Ang Simula


Ewan ko ba. Pang-apat na blog ko na ito pero ito ang kauna-unahang blog na tagalog na ginawa ko. Gusto ko kase mabasa ng lahat kaya english yung unang mga ginawa ko pero eto, taglish tayo. Dito sa blog na to puso tayo wag isip. Sa totoo lang, tinatranslate ko pa lahat ng ideas ko sa mga english blogs ko. Hindi naman ako kagalingan mag-english. So anu bakit ko ba to ginawa? Halos isang linggo na palageng 2am ako nakakatulog. Sa bahay lang ako nagtatrabaho pero masaya naman ako. Unti unti namang natupad ang pangarap ko na ganito.

Basta, hindi ko maexplain. Itong blog na to ay para sa mga buhay buhay at random things na gusto kong ishare. Mahilig ako sa makeup pero lately nagagastusan lang ako para may maipost ako sa blogs ko. So medyo iibahin natin to ha. Tutal, unang post ko to kaya wag na muna natin lagyan ng picture. Nakakaloka. Hindi talaga ako dalawin ng antok. Syet. Nagkape kase ako. Hayyy buhay hahha. Anyways, may travel ako this coming August. So excited ako tapos pulubi ulit later hahaha. Ganun talaga mga bes ang buhay. Kelangan enjoyin. Oh nga pala libre kayong magcomment dito ha. Wag lang kayong anu masyadong harsh saken. Sa totoo lang pangarap ko talaga yang maging Youtuber kaso pag naiisip ko na andaming mapanghusga parang ay, ayoko na hahah. Duwag kase ako sa mga ganyan. Parang hello bat ba ieexplain ko pa masyado sa kanila ang side ko or mga issue. So far naman walang nanggaganyan sa akin.

Dito sa blog na to gusto ko makarelate kayo sa mga pinagsususulat ko ha. Baka gumawa din ako ng series about anything. I'll let you know basta every night magsusulat ako dito para naman pag may time kang magbasa e mabasa mo to. Oh sige na. Hihintayin ko pang makatulog ako. July 25 na ngayon so yan ang birthday ng blog na to ha. Sana umabot pa to ng sobrang tagal.

Good night mga bes. PS Nilagyan ko na pala ng picture hahaha!

CONVERSATION

2 comments:

  1. This comment has been removed by a blog administrator.

    ReplyDelete
    Replies
    1. This comment has been removed by the author.

      Delete

Back
to top