Love, Find Its Meaning While You Can (hindi yung huli na, ipipilit mo pa!)


Minsan talaga sa buhay ng tao may wrong timing. Yung nakilala mo na, mawawala pa. Kung kailan nakamove-on ka na at nakahanap ng iba, saka naman babalik sya. Anu pang magagawa mo e hindi na nga pwede? Ang pag-ibig nakakabaliw, mararamdaman mo yung sobrang kasayahan na hindi mo pa nararanasan sa buong buhay mo, at pati na din ang sakit na kung hindi mo kayang kontrolin e papatay sayo. May mga tao din na walang pakialam o sadyang bulag. Nasa tabi na lang nila hindi pa nakikita. Anu pa nga ba ang ginagawa nila? Syempre, nakatingin sila sa iba. Paano kung naramdaman mo na ang meaning ng love pero late ka na? Anung gagawin mo?


Hindi lahat ng makikilala mo e magbibigay sayo ng happy ending. Merong love na dadaan sayo para patibayin ka, parang isang pagsusulit na kailangan mong maipasa at malaman mo kung hanggang saan and tibay mo. Hindi mo kailangang magpanggap na hindi ka nasasaktan. Iiyak mo lang kung sakaling yung mga bagay na gusto mo ay taliwas sa gusto at nararamdaman nya. Wag kang obsess! Hindi mo naman kailangang itago lahat ng sakit na nararamdaman mo para lang masabi ng iba na matibay ka. Kailangan mo ding iiyak at itagay (oo, iinum mo lang ng isang galong chocolate syrup). Bigyan mo ng reasons ang sarili mo para magmahal hindi yung nasaktan ka lang e mas mapait ka pa sa ampalaya kung maka-hindi. 

Lahat ng tao pwedeng magmahal, kahit anung sama ng ugali mo may tao pa din na dadating para i-appreciate ka, mahalin ka at intindihin ka. Kung sakaling yung inaasahan mong tao pala ay hindi para sayo, wag kang mainip, ok lang na maramdaman mo ang sobrang sakit. Tandaan mo na dito sa mundo, walang permanente at lahat pwedeng magbago. Makakamove-on ka din. Pag naka-move-on ka na, sana yung taong andyan palagi sa tabi mo e makita mo na. Maging masaya ka na minsan sa buhay mo, may minahal ka pero sinaktan ka lang at nakaya mo yung sakit na naramdaman mo ng mahalin sya. Sa buhay ng isang tao, may dadating at dadating talaga para lang sukatin kung hanggang saan ka. Wag kang malungkot kung akala mo nag-iisa ka. 

CONVERSATION

0 comments:

Post a Comment

Back
to top