Byahe


Ayan, sorry sa title ha. Obvious naman na about travel ito pero kwentuhan muna tayo. Naranasan nyo na ba yung pakiramdam na parang napapag-iwanan ka na? Or baka ako lang kase narerealize ko na matanda na talaga ako. Haha. E kase naman last week lang aba may kinasal na naman na kaklase ko nung college. Yung iba may isa at dalawang anak na tapos merong mga regular na sa mga trabaho nila at nakakapagpundar na ng kabuhayan nila. 

Samantalang ako eto. Sa bahay lang. Naghihintay ng magtetext sa akin para gumala kami or lumabas. Wag ka namang judgemental may trabaho din ako. Yun nga lang parang ang tingin kase ng iba hindi to totoong trabaho. Ang alam nilang nagtatrabaho e yung aalis ka ng bahay, nakaformal o nagoopisina sa kung saan man yan.

Next na post ko kwekwentuhan kita about sa trabaho ko pero dito muna tayo sa kadramahan na to. So ayun na nga. Parang matanda na talaga ako tapos wala naman akong naaacomplish na kahit ano. Nakatira pa din ako sa bahay ng parent ko. E libre dito eh hahaha. Yan guilty talaga ako jan. Minsan nga pinagsasabihan ko ang sarili ko na bumukod na at ng matuto akong mamuhay mag-isa e kaso parang ang lungkot naman nun. 

Eto na yung travel ibang travel kase talaga yung sinasabi ko jan sa title. Travel ng buhay yun. Well sabi nga nila hindi mahalaga kung gaano kabagal ka basta ang importante may effort at nagpoprogress ka. Hahaha ang bitter ko ata jan. Sa totoo lang mahilig talaga ako magtravel. Next month beach ulit tapos next year may mga nakaschedule na akong kung saan saan. Basta sasabihan kita kung saan at magpopost din ako ng picture dito.  Nakakaloka. Ang tagal tagal naman matuyo ng mask sa mukha ko. Baka makatulog na ako nito eh hindi pa natatanggal. Oh baka interesado ka din sa skin care routine ko pag gabi ipopost ko din yun dito. Wag lang sabay sabay haha. 

Parang bet ko magpost din ng about sa love. Ewan basta tayo namang mga Filipino e mapagmahal tayo kaya for sure madaming makakarelate dito.

Good night. #3rdpost


CONVERSATION

0 comments:

Post a Comment

Back
to top